Sunday, February 29, 2004

ballpen sucess story

      nakaubos ako ng pilot pen!
      o di ba parang sucess story na nabasa mo sa Chicken Soup. parang ang laking bagay na pag nakaubos ka ng pilot pen, as in ubos ang tinta at wala na laman yung lalagyan nito.
      kung iisipin natin isa lamang it sa mga maliliit na kaligayahan ng isang estudyante. aba nga naman, kundi mawawala basta basta, o kaya mahulog at ayaw na sumulat, e siguradong may humiram at di na ibinalik. aminin nyo, minsan pa lang kayo nakaubos ng isang ballpen. (parinig sa lahat ng mga humiram ng ballpen at di na binalik). problema nga lang ya'ng ballpen, parang misteryo na lang na biglang di mo na makita. nahulog sa bag mo, may nakapulot at kanya na! malas mo lang pag yan ay tech. pen o yung mga jell pen na kinaaliwan mo yung mga kulay.
      hay ballpen...
      nakaubos ako ng pilot pen at masaya ang mundo ko.
after months i post again...

by the way, i didn't get in at that audition. the concert was held last week, and on a note, im kinda glad that it was'nt me up there. :)