Saturday, May 21, 2005

BISTADO

here's the monologues script i wrote for our HUM 1 culminating activity this summer. it was presented by our group - incognito, ya it's the group name - to the rest of the class last ... may 20.
i know the ending sucks, but i couldn't think of anything better...
i got a lot of help from my groupmates: ella, alvin, lowel, RA, and darryl.
yung matalino at yung mga C na nagiging A, B at D galing kay ella yun. sa totoo lang pinagpulungan namin ito, "groupmates, ano mga alam ninyong style sa pag-cheat?" saya nga e, nasa mcdo pa kami nito. thanks, we did a great job. adlib, adlib na 'to.
when i was writing this, it just seemed like writing a blog entry. o sige, mejo inedit ko ng konti.
so here it goes...
nga pala, pinapaalala ko lang
DI MABUTI ANG PANDARAYA! IKAW RIN ANG TALO! totoo, pramis!

BISTADO!
Monologues on Cheating in School

(Opening scene:
Examination day. 3 students are taking an exam. Their seats are lined up diagonally so the audience can see. The last student in the row throws a ball of crumpled paper to the student at the front. The student at the front picks it up, straightens it and reads it while writing on his/her test paper.
Spotlight moves to monologue set.)

Monologues:
GURO:
Ako si [insert name of person here]. Ako ang punong guro ng [insert name of school here]. Akalain ninyo, ako naging teacher! "Guro." Ganda pakinggan. Pero sabi nila strict daw ako.
“Eto naman si Sir/ M’am, parang di naging studyante.”
Pero ang di lang nila alam…mas malala ako sa kanila, at kaya lang ako mahigpit…

BATA:
Bata pa lang ako, mandaraya na ako.
Nandyan na yung hihingi ako ng baon kina Mommy .
“Ma, para po sa iskul.” ‘Tapos gagastusin ko lang pala sa pagbili ng text sa labas ng eskwelahan 'pag dismissal. Talo din naman.
Sa school namin, uso yung magpapapirma ng test paper sa parents. Kung ang nakuha ko ba naman sa exam ay 30/100 di rin ako gugustuhin makita ng mga magulang ko. Kaya naman kunwari ako si Daddy. Kailangan gayang-gaya pati ang tuldok ng I. Naka-sign pen dapat, kundi huli.
Ganun din pag may PE na ayaw ko salihan gawa ng tindi ng init sa labas - swimming ba naman!
“To Whom It May Concern,
Please excuse my son/daughter [insert name of person here] from PE today. S/he has a skin allergy and his/her doctor advises that s/he cannot stay out in the sun for too long. Thank you for your kind concern on this matter.
Signed, Mrs. [insert last name here]”
At may pirma pa. Syempre sulat ng seatmate yun. Magulo na animo’y sulat doktor para mukhang matured. Kailangan kapag ibibgay sa teacher, nakatiklop para hindi mahalatang fake, kunwari galing sa bulsa ko.
Ang mga seatmate, ayos din 'yan. Kaya ako tumatabi na sa mukhang magiging kasabwat ko sa buong taon.
Halimbawa, pag nagchecheck ng papers,
“O class, exchange papers with your seatmates.”
Hindi lang alam ni M’am na kakutchaba ko ang seatmate ko. Si seatmate na ang bahala sakin. Pag alangan ang sagot, itatama niya; pag mali, tama pa rin. Mas masaya pag multiple choice ang quiz. Puro C lang ang isusulat sa paper tapos pagdating kay seatmate nagiging A, B or D na si C.
Mutual lang naman yun eh: nakikinabang siya, nakikinabang din ako.
Kung inaakala nyo na ang homework ay ginagawa sa home, nagkakamali kayo. Ang homework ay ginagawa sa classroom, sampung minuto bago magklase. Pag dating ko sa school ibababa ang mga dala, ‘tapos:
“May assignment kayo? Patingin naman o!” Sabay kopya na!

TEENAGER:
Pagdating naman ng college mas matindi na.
“Ma, tuition ko P30,000.”
Kung sa ibang school mura na yun pero, utang na loob, sa UP ako nag-aaral! Di kaya magtaka ang mga magualng ko? Wala pa ‘jan ang pamasahe, pagkain, load at pang-gimik!
Ang maganda sa University rules regarding attendance ay may puwang ako para maka-absent. Magcut para makagawa ng requirements sa ibang subject, o bulakbol lang ay magagawa ko ng anim na beses ‘pag TTh at walong beses ‘pag MWF.
May mga prof na nagpapapasa na lang ng attendance sheet na pipirmahan ng mga estudyante. Sa bagay, para naman kasi kaya niyang i-roll call ang buong klase: Abelgas hanggang Zulueta, e halos sitenta na kami.
Pero tulad nung mga bata pa, masaya pag may kakunchaba. Si seatmate na lang ang tagasulat ng pangalan ko at tagaprima ko ‘pag wala ako, at ako din ‘pag wala siya. Talo lang pag pareho kami wala.
Sa mga exams naman, (Eto, favorite ko!) malakas ang kita ‘pag di ka nahuli. Mula kapit sa patalim, nagiging mas mataas pa ang score ko. Ayos yun!
Ang pinakasimple pa dyan si Matalinaw. Kaya nga ako parating nakain ng kalabasa eh, hindi para maging piloto, kundi para makatingin ng malayo - yung tipong abot sa test paper ng nasa katabi ng katabi ko kahit na dalawa ang set ang exam.
May kodigo din para sa mga tulad ko’ng magaling magtago. Yun yung mga maliliit na pirasong papel kung saan nakasulat:
y=mx + b, term= genus + differentia, atbp.
Kung gaano kaliit ay depende kung saan ko ilalagay: nakadikit sa ilalim ng sapatos, nakasulat sa likod ng polo/blouse, naka-clip sa buhok o nakabakat sa blue book.
Hi-tech kung may gamit akong calculator. Yung scientific calculator na pwede ka magsave ng formula.
Andyan yung nagpapasahan kami ng papel. Dapat naman dito, tabi-tabi kayo, parepareho ng sulat - block lettes na print, at wala munang sulatan ng name at class number. ‘Pag di ko alam ang sagot pasahan kami ng papel ng mga kasabwat ko para sila naman ang sumagot ng di ko alam. Tiyak yun, tama. Sabi kasi nila “two heads are better than one.”
(tap ballpen)(“haay”)(stretch)(tap foot)(“haay”)
Translation: C,B,D,B.
Signals ang tawag ‘jan. Kada galaw may ibig sabihin. Di mo naman siguro kami inaasahan mag Morse Code, pang sosyal yun - mas direcho. Konting tap dito ang ibig sabihin, “Ano sagot sa #42?” At konti ‘pang tap uli, “Industrial Revolution.” Sabagay may
(long tap, long tap, long tap, tap, tap, tap, long tap, long tap, long tap)
na SOS ang ibig sabihin: help!
Ang pyramiding ay ‘di lang scam sa negosyo, kundi sa pageexam din. Sa mga lecture hall namin ginagawa ito, sa mga malalaking lecture hall na may levels. Sa ganito kasi may semi birds eye view ako sa papel ng nasa kaliwa ng kaharap ko.
Ang ayos ganito: Ang mabuting bata na nagaral ay iuupo sa harap, sa pinakamababang palapag na malayo sa proctor. At kaming mga delingkwente na nagaral naman, pero di masyado, ay uupo sa likod niya.
Pag naman feeling matapang, sabay ang proctor ay may sariling mundo at walang paki, panahon na para sa derechahang paraan.: “Seatmate, ano sagot sa number 23?” Si kakuchaba naman tingin sa papel niya, “biodiversity.”
Sa totoo lang madami pa na paraan ng pandaraya sa exam, pero di naman ako ang Dalai Lama nyan, magaling lang talaga ako dumiskarte.

GURO:
Naging studyante din ako. Mahilig din akong magcram: isiksik sa kapirangot na oras ang pwede naman gawin sa isang araw ng pagbubulakbol.
Ngungit ang pinakamalala kong sakit: pandaraya.
Kaya nga yang mga istilo na ginagawa ng mga estudyante ko, alam ko na ‘yan. Di na nila ako maiisahan. Pero meron din mga makabagong paraan ng pandaraya:
Iba na talaga ang magagawa ng teknolohiya ngayon: ang copy-paste. Mula sa internet papunta sa papel ng studyente halos anim lang na galaw: Highlight, right-click, copy, click sa Word document, right click, paste. Kung alam nila ang CTRL+C o CTRL+V eh di mas magaling.
Sa dami ba naman ng nagliparan na computer shop sa tabi tabi ng mga eskwelahan ngayon, di ka pwedeng hindi makatiempo ng gawa na, na reaction paper, term paper atbp. Iibahin lang nila ang pangalan ng may gawa at kanila na.
Di na kasi ako nandaraya ngayon…O sige, nandyan pa yung sisingit ako sa linya sa sinehan. Pero sabi ng nila, “Old habits, die hard.”
Pero hindi, hindi dapat nandaraya ang mga estudyante. Hindi talaga!
Kasi baka matulad sila sa’kin. Na ang buong buhay dinaya, kaya wala ako natutunan. Dinaya ako ng buhay ko ng nawala sa akin ang cum laude ko dahil nahuli ako na kumopya. Suspendido! Pagkatapos mahuli ni Sir [insert name of person here]. Buti pa nga di ako nakulong.
Kaya teacher na ako ngayon, para turuan ang mga mag-aaral na walang kwenta lang mandaya.

No comments: