tagkapok
ano yan'g mag puti na yan na palipad-lipad at nakakalat sa damuhan?
hindi po isnow yan, kapok po iyan.
tagkapok nanaman sa elbi, ang panahon kung saan nahuhulog ang kapok mula sa puno ng nito sa tabi ng physci at sa iba pa na mga puno tulad niya na nakakalat sa sangUPLBhan.
tag-freshie
at tulad din ng mga kapok, nakakalat din ang mga bagong freshie na papasok sa unibersidad. reg days nila ngayon, nauuna pa sa aming mga gurang na dito.
makikita mo sila nakakalat sa unibersidad, magkakasama o kasama ng mga magulang nila. sa registrar, sa SU , sa infirmary. shucks! ang dami nila. kahit out of ___ ng kumukuha ng UPCAT, silang __ lang ang pumasa, ___ sa kanila ay nasa elbi.*
dun sila nakapila sa registrar para syempre magregister. hawak pa kasi ng reg ang lahat ng papeles nila, pag OF na sila kasama sa regular na panahon ng reg at ang mga papels nila ay nasa college sec na.
nasa infirmary ang mga freshie gawa ng medical exam. maraming kwento kwento tunkol dito, ang paghuhubarin ka ng doktor ay isa sa mga iyon. wala namang bastusan dito. sa totoo, nandyan pa ang x-ray, physical check up, check up ng dentista etc. mahaba ang pilahan dito dahil tulad ng sa registrar iisa ang pilahan. kung maaga ka, maswerte ka. ang magandang tip dyan ay dumating ng lunch break, para pag sinimulan na nila uli, nasa pila ka na. (yun yung ginawa ko nung freshie ako)
sa SU naman ginaganap ang mga programa para makilala ng mga freshie ang kanilang bagong mundo, ang magigigng tahanan nila sa susunod na 4 na taon o mahigit pa. meron din para sa mga magulang. tintuturo dito ang university rule on attendance (yung 'pag MWF 8 na beses ka makakaabsent sa clase at 'pag TTH 6 lang na beses),ang mga lugar na sasakay ng jeep (sa forestry sa harap ng biosci sa parking ng NCAS), may PCO para din makilala ng freshie ang mga ibang batchmates niya, at meron din campus tour kung saan sa isang hapon ay lilibutin ng mgakakablock na freshie kasama ang mga voulunteer ang buong campus, on foot.
ang OSA din ang bahala sa mga blcok meeting, isang series ng mga session na kung saan kikilalanin ng freshie ang UPLB kasama na rin ang kanyang mga blockmates.
balita ko ngayon may schedule na talaga para dito, di tulad ng panahon namin na kanya kanya, at sa kalagayan ng block namin, wala kaming common time lahat.
ang block namin
dito kasi, ang mga blockmates mo ay di necessarily mga classmates mo sa buong sem tulad ng ibang school. sa totoo nga magkakahiwalay kayo at sa FBE (first block encounter) lang kayo magkakasama talaga. kung wala ka nun, well sana mahanap ka ng mga kablock mo. tignan mo ako, di ko nga kilala lahat ng blockmates ko , e ako pa naman din ang block rep. ito ang sad story ng block namin. di mo ako masisisi. i tired my best lalo na nung first sem, pero ayaw talaga. i got fed up after finally having to go to a block meeting all by myself, then i had it. di ko na inasikaso ang block mula nun. kaya wag nyo ako sisisihin kung di nagkakaisa ang block namin, na wala kami block shirt. i tend to give up on people who give up on me.
masaya ako nung freshie ako...
wala munang salihan sa org, pero hangang ngayon wala pa ako nun, wala na akong balak, unless makalusot sa jocks, which is unlikely to happen. sumali ako ng UPLBCE (chorale ensemble), at dahil wala akong formal training sa pagkanta binigyan pa nila ako ng chance. eventually nagquit din ako. siguro naintimidate ako, nahirapan na rin. di kasi talaga ako marunong kumanta.
may CWTS na sobrang boring. may natutunan ba ako dito? kung meron man, di ko masasabi ngayon, kailangan ko pa hanapin sa baul na nakatago sa utak ko. di ko lang talaga maramdaman ang halaga ng ginagawa namin. ang masarap lang dito ay sa auditorium kami nagcclase. yun lang. ang masaklap pa sa subject na 'to pwera sa pakiramdam na wala ako natutunan, ay di pa ako makakauwi sa'min 'pag friday kasi sabado ang clase. buti na lang at ayos lang ang mga kasama ko dito. laking tulong 'pag may gagawin kami na malaki tulad ng maglinis ng simbahan, o gumawa ng parol, o maghanap ng bibili ng ticket nung concert. ang pagkakaroon ng kadramahan at favoritism ng aming guro ay nakakapagpahaba lang ng oras. natuwa na lang ko ng tapos na, nung 2nd sem sinasabi ko na lang sa sarili ko "isang sem na lang." nga pala dito ako namigay ng dugo para makabawas sa absent.
ang dorm ang naging bahay ko away from home. malungkot dahil malayo sa mga mahal ko sa buhay pero masaya dahil may mga bagong kakilala. naging masaya ang dormlife ko, at ngayon na dito na ako nakatira sa elbi, nakakamiss din ang buhay na iyon. masaya talaga ang dorm, lalo nung nandun pa ang mga kuya. nood ng sine, kain sa labas, night out, nood ng movies, plano ng birthday, birthday, linis ng dorm, xmas party, kwentuhan, pusoy, tong its, dr. mario, tetris...haay ang dami pa.
malaki talaga ang pasasalamat sa nangyari sa amin ng isa dyan. fresh start talaga ako sa college at naging malaking bagay iyon sa paghuhubog ng pagkatao ko ngayong junior na ako.
masaya talaga ang freshman year ko sa college.
ewan ko lang kung sa la salle "frosh" ang tawag nila sa mga freshman pero dito sa UPLB ano man ang itawag sa iyo freshie ka pa rin. at sinasabi ko, masaya maging freshie.
* i'll get the stats for this.
Friday, May 13, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment