Friday, June 03, 2005

ang class 2003

ano ba 'yan! JUNIOR na ako sa COLLEGE wala pa yung yearbook namin nung HIGHSCHOOL! yung mga ibang classmate namin malapit na makatapos. 'pag nasa UN na ba ko makukuha yun?
OO NAGREREKLAMO AKO!
nauna na sa amin ang class 2004, at di ako magtataka kung maunahan kami ng class 2005.

kaya tuloy feeling ko naging walang kwenta ang BATCH namin nung highschool.
no offense to all my "patriotic" batchmates, pero pakiramdam ko: batch 2003 sucked big time.

una, hindi ko kakilala lahat ng batchmates ko. you'd think after 4 years with different classmates i would have known at least half of them. keyword: half. minsan na lang 'pag kausap ko ang mga kaibigan ko may hihirit ng, "si [ganyan] nakita ko kahapon." sabay, ako, "sino yun? batchmate ba natin yun?" at pustahan tayo, di rin ako kilala nung batchmate na 'yun. fine, inaamin ko naman na nagdownsize ang people skills ko at getting to know new people, pero kung ang first impression mo sa new people ay di maganda, it's likely i won't bother to get to know them at all. remember nasa st. scho po ako, the friends i made were the people who were not the pretentious.

so, i guess kung di magkakakilala ang mga tao, i doubt kung magkakaroon ng unity sa mga ito. but then again, not having opportunities where the people would get to know each other disfigured unity badly. pinaguusapan po natin ay ang mga batch night na walang natuloy. problema sa pera, sa kwentahan, sa lugar, sa mga taong pupunta... hindi ko alam, basta ang alam ko kung di namin maovercome ang mga payak na problema na iyan as a batch, di ako magtataka na ang mga teachers ang gumalaw para magkaroon man lang kami ng prom.
sa bagay, ano naman ang gagawin namain dun sa batch night? magpapayabangan, o gigimik ng kanya kanyang barkada? then the whole thing would seem useless to begin with.

eating areas pa lang, di na kami magkaayos. sa school kasi namin may assigned eating areas ang mga highschool (teka parang nasulat ko na 'to) ang mga freshie sa 2nd floor ng canteen; ang mga sophie nakakalat sa barrion, sa college canteen, sa troika; ang mga junior sa lunch counters; at ang mga seniors sa stones. sa totoo lang nung third year nagsimula ang problema. isipin mo. sa kinatagaltagal na panahon nagkasiya ang mga naunang batch sa amin na 8 sections sa lunchcounters. kaya nakakapagtaka lang na kami yung batch na 7 lang ang sections pero di nagkasya sa lunchcounters. sa stones naman, mahabang issue din yan.

kami ang batch na lubhang naapektuhan ng gulo ng mga naunang batch sa amin pagdating sa mga recollection. dati kasi kahit mga recollection ginagawang overnight sa isang retreat house. pero nung kami na ipinagbawal iyon. dun na lang kami sa prayer room buong araw. nung 4th yar lang kami nakapagovernight sa tagaytay. ok fine, malaki din ang natipid ng mga magulang namin sa bayad, at yun ang ipinagpapasalamat ko.

bumalik tayo sa unity. sa intrams. parang school fair, panapanahon din ang pagkaroon ng intrams sa amin. di ko lang matandaan kung nagkaroon kami nun sa lahat ng taon namin sa highschool o nung freshie at senior year lang. ang natatandaan ko lang, di man lang kami nanalo sa cheering, kahit nung senior year. and you'd expect the seniors to always win. inaamin ko, di rin naman ako bibo pagdating sa mga cheering cheering na 'yan at di ako nagpaparticipate. as if gaganahan ka. hindi. kahit panalo kami sa mga individual efforts ng aming mga batchmates, pag pangkalahatan na talo na kami.

siguro nga junior year mo masasabi kung ok ba ang batch o hindi. nandyan na yung sa lunchcounters. pero hindi nagtatapos dun. wala kaming JOG (junior outdoor games) nung third year. sa isang school na walang CAT, inaasahan mo na magkaroon ng at least ng JOG para maranasan ng mga babae sa st. scho ang kapiraso nun. habang ang ibang batch meron, kami wala. o fine, dumating ang SEEP nung 4th year, like that was anything more.

nabanggit ko na, na di kami magaling sa pagsasaayos ng mga event para sa buong batch. at pakiramdam ko mas inasikaso ng mga teachers ang prom namin kaysa sa'min. ang prom namin sa kuniberta. ok fine, we go down in history for inagurating kuni with its first prom, but that's it. kaya tuloy ang yung batch 04 pinanindigan magprom sa labas. they actaually united for that, inasikaso talaga nila, di tulad namin at dun ako hanaga sa kanila. hindi sa bitter ako sa prom namin, o kasama ako sa mga taong ayaw talaga magprom sa kuni dahil mamamatay sila sa kahihiyan. ayos lang sa akin yun. ang di ko lang nagustuhan, is the fact that it could have been better. maybe.

sa pagtapos na ang senior year, marami kaming binayaran. di ko lang alam kung hinuthutan lang talaga kami ng pera pero halos 4 na libo ang binayaran namin para sa batch memento, sa grad ball, at sa yearbook. package 'yun. wala pa dun ang SEEP, ang retreat, ang grad pics, outreach, projects etc.
batch memento? ano yun? sa totoo di ko rin alam. sabi nila ito daw ang paalala ng batch namin sa SSC, pero sana naman nalaman man lang namin kung ano ito. sabi sa'kin ni karen (yung dormate namin na freshie na galing SSC din, class 2004) yung pangalan daw ng SSC sa may gate one. pero, di ko talaga alam, at pusta ko karamihan sa amin ay ganun din.
ang grad ball namin. 1T per head, kung may date ka dadagdagan mo pa ng 1T yung bayad mo sa package. isipin mo na lang kung bakit ako stag. grad ball nga e, usually isa itong event na kung saan papaalahanan ang mga seniors tunkol sa mga buhay nila sa highschool at hindi sa kung sino ang may gwapong date o hindi. malakas ang kutob ko na bawi lang ito sa prom namin. ganapin ba naman daw sa manila penninsula sa makati (oo, yung may magandang fountain sa kanto ng makati ave at ayala ave) di ako nagtataka kung mahal. ang tanong, kung worth it? kung iisipin ko ngayon parang hindi rin.

ngayon balikan natin ang pinakamalaking kahihiyan ng aming batch, ang yearbook. inaamin ko, staffer ako. kaya lang naman ako sumali sa yearbook staff para may representation ang barkada namin sa yearbook. 'lam mo naman pag pinahawak mo lang 'yan sa iba, tiyak sila sila lang ang laman. siguro dala na rin ng kagustuhan ko na magsulat. ang napala ko? wala lang naman, nawala lang ang mga barkada pics na ipinahiram ko, at malaki ang pakiramdam ko na binaliwala lang ang pagiging staffer ko. sa bagay sino ba naman ako? ang trabaho ko lang mangulekta ng mga write-up ng mg kalase ko at iedit ang mga ito bago ibigay sa aming editor, at kumpletuhin ang batch directory. yun lang. di pa ako nakasama sa pictorial ng paxmen nito gawa ng reg namin dito nun.
and after 3 years, wala pa rin. di ko na alam ang progress o kung meron pa.
sa totoo nawalan na ako ng pakialam. gusto ko lang makuha ang money's worth ko, yun na lang siguro ang halaga nun. kung parent siguro ako, nakapagdemanda na ako.

hindi ko sinsusulat ito dahil bitter ako nung hisghschool. sa totoo nga, those were some of the best years of my life. ok lang naman ang mga batchmates ko, lalo na sa bahagi na iyon na kinikilala ko na mga kaibigan ko. pero pag pinagsamasama mo na, di talaga nagclick.

siguro bitter nga ako dahil hangang ngayon, di ko pa nakukuha ang yearbook ko!

sana naman, nagkakamali lang ako sa mga sinabi ko tunkol sa batch namin.

* nga pala. pag sinabi mo kasi class yun yung graduate na, 'pag batch di pa graduate 'yun. so bale ang batch 1999 (year nung freshwomen kami) at class 2003 (year na graduate kami) ay iisa lang po.

No comments: