Monday, March 01, 2004

maglakad ka na lang...

haay, may transport strike ngyon sa ... (di ko nga lang alam kung saan saan may strike , pero ang alam ko lang, ala kami jeep dito!) buti na lang kahapon ako umuwi dito sa LB kundi tigok ako! isa pa , buti within campus lang ang dorm ko, kundi matinding exercise na wala sa lugar ang maabutan ko! haay!

      pero, kailangan ko aminin na napakahalaga ng jeep, lalo na dito na para makapunta ka sa susunod mong clase na PE e magjijeep ka pa kasi ang huli mong clase ay sa CEM!
(sa totoo lang nalakad ko na rin yun. sa isang araw na wala talaga akong barya at nakakahiyang magbigay ng 500 sa driver at baka sumpahin ako). pero buti na lang bukas pa ang sked ko na iyan (yung may PE). ngayon paikot-ikot na lang ako sa hum, sa physci at sa devcom...at sa math.

      siguro nga alam ng mga jeepney driver na mahalaga sila sa pangkalahatang paggalaw ng tao para sa mga kailangan nilang puntahan araw araw. ok lang mawalan sila ng kita sa araw na ito, sakripisyo lang yun sa pagpapaintindi at pagpaparamdam sa tao na mahalaga sila at kailangan taasan na ang pamasahe sa jeep.

      dati, naalala ko na naabutan ko pa ang 2 piso na sakay sa jeep. mula noon ay dumoble na. buti na lang estudyante ako ng UP 3.25 lang bayad ko sa jeep na tumatangap. pero minsan pagnagbayad ka ng 5 e wag mo masyadong ipilit ibalik sayo ang sukli mong 1.75, piso lang babalik sayo pag nakakalusot sila. haaay!

      kung ako ang tatanungin ayaw ko sana tumaas ang pamasahe sa jeep. mahal na nga kung tutuusin, pero kung iisipin natin ang mga nagmamaneho ng hari ng kalsada ay maliit pa iyon pantustos sa kanilang mga kailangan. tumataas at di bumababa ang gas na kanilang puhunan at ang kanilang mga bisyo.

      so, ngayon walang jeep, babalik sila sa trabaho bukas, isang araw na pagsasakripisyo sa atin at sa kanila...

pag tumingin ka sa labas walang sasakyan pwera lang yung mga may tsikot na studyante at mga faculty etc. walang jeep, walang traffic, exercise tayong lahat- papayat tayo nyan!