The point is: kapansin-pansin ang mga bagay na di pangkaraniwan, out of the ordinary.
      Bakit sa commercial ng Close Up kapansin panisn yung girl na nakasmile? Tama si Ava, kasi maganda siya, makinis, manda manumit at of course naka-smile siya. Pero yung point ng commercial is being kapansin pansin dahil sa ngiti di ba? Sa bagay di naman talaga pangkaraniwan ang parating nakangiti. Ikaw ba naman mananatiling nakangiti habang nagaantay ka ng sakay ng bus habang umuulan at alam mo na mukhang kakapusin yung dala mong pera dahil tumaas nanaman ang pamasahe? Magmumukha kang timang di ba?
Ako, na wala sa karanaiwang porma*
      Kaya naman ang isang taong tulad ko, na kinasanayan nakikita na naka t-shirt, jeans at rubber shoes, ay mapapansin ng iba kung naka blouse at sandals, lalu na kung magskirt. Bakit ba? Anong problema nyo? Masama ba? Di naman siya dapat maging issue, di ba?
      Mas-comfortable ako ‘pag naka jeans t-shirt a rubber shoes at inaamin ko rin naman na naiilang ako at di sanay ‘pag pumuporma ng iba, lalo na pag pinapansin. Karma, ika nga. Ginagawa ko din kasi iyon, pinapansin ang mga bagay na hindi karaniwan. Kaya eto gumaganti sa akin ang mga napapansin ko: ako naman ang ginagatungan pag kapansin-pansin. Alam ko naman na natutuwa lang yung mga iyon kasi nakikita nila na nagiba ako nga image. Kailangan masanay na ako. Kaya siguro ako ilang magbihis ng iba, di lang sa ayaw ko mabasa ang paa ko ‘pag umuulan, pero kasi hanging ngyon pikon pa rin ako.
      Sa totoo lang gusto ko rin naman ang pormang ganun (girly?), di ko lang napu-pull-off gawa ng di talaga bagay sa’kin at di ko nadadala o dahil alam ko na ang probability na maiilang ako is a sure event. Siguro nga dahil di ako sanay kasi di ko sinusout ang mga ganung bagay parati di tulad ng ibang tao. Dala na rin siguro kasi wala akong pera pambili ng mga ganun Mahal ho ang mga damit na ganun na magagnda. ‘Pag may pera naman ako ini-invest ko na sa mga damit na alam kong magiging panatag ang loob ko. Mas gusto ko na lang makisakay sa pormang kaya ko. Alam ko naman na di ako maganda at di rin ako nagmamagnda – minsan lang :).
      Siguro balang araw ‘pag may pera na ako, ‘pag may sasakyan, pero that’s someday, not today. Dahan-dahanin na lang natin, ok? Para masanay ako.
*obvious ba? may pinariringan.
Tunkol sa pagiging kakaiba.
      Pero masaya maging out of the ordinary, dahil nagiging unique ka. Pero kung ang lahat talaga ng tao ay unique ano na ba ang karaniwan? Hindi masa, hindi pop, hindi uso? E, ano uli yung kakaiba? Pang-philo paper ito!
Friday, August 05, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment