upgrade ba na matatawag? napapansin ko kasi madami na sa ring of troika bloggers ang naka LJ na ngayon. madalang na nila iupdate ang mga blog nila (tsiong, di ako nagrereklamo). ayos nga e, parang mas personal ang dating ng mga LJ nila, parang diary talaga...pero sa bagay ako lang naman siguro ang di ginagawang parang diary ang blog ko. ako lang naman ang talagang di naguupdate.
kaya nga, bakit pa ako maglLJ? e etong blog nga di ko ginagalaw ng isang buwan.
ang LJ:
      "LiveJournal is an online journal service with features that allow interaction between users." ayon yan sa kanilang FAQ site (at lahat ng susunod dito tunkol sa LJ ay galing sa mga info page nila, kaya puntahan nyo: LJ). libre din siya, pero pwede ka magdagdag ng services na may bayad. may journal ka, susulatan, pwede lagyan ng picture, at ayusin ang itusra, at malaman kung sino sino lang ang nakakabasa. may profile ka na parang biodata mo na pwede ka rin maglagay ng kahit ano tunkol sa'yo. may picture din 'to. ang malaking kaibahan nito ay mas may interaction ang mga kasapi dito. pwede ka magcomment sa mga sinusulat ng friends mo, linked kayo. pwede gumawa ng grupo.
ayos di ba?
      ang LiveJournal ay ginawa ni Brad Fitzpatrick na isang computer science major nung March 1999. Pinagamit niya sa mga kaibigan niya ang ginagamit niyang paaraan ng pagupdate ng journal niya, at yun naging malaking website na. pinapatakbo lang siya ng maliit na staff na mga kaibigan din ng naggawa. meron na rin itong Webby Award at higit 4M na gumagamit. At ngayon, open source na siya, na kahit sino pwedeng gumamit at makatulong sa pagunlad nito.
      (ang blogger kaya, paano nagsimula?)
      (hindi ko inaadvertize ang LJ ha, kasama lang 'to sa sinusulat ko)
so, bakit ako hindi lilipat ng LJ?
      dahil masaya na ako sa blog ko.
      dito kasi sa blogger ko nagagawa ko ang mga kailangan ko gawin: gumawa ng HTML at CSS at magsulat, at libre din 'to. di naman ako mahilig magupdate kaya walang kwenta rin dahil lalo ko yun hindi mame-maintain. yun may interaction pa, e ni nga sa blog ko 'alang napunta, bale, wala ako masyadong friends na magbabasa. kung meron naman, may chatterbox - kahit nageexpire - at may haloscan din. dun, di gaanong ka-flexible ang layout, di mo malalagay kung saan saan ang sulat at konti lang ang malalagay mo na kalokohan. wala naman akong ilalagay sa bio page. wala akong magandang picture.
hindi ko sinasabon ang LJ. ayos nga siya para sa mga taong kailangan ang features niya, galing ni Brad, bilib ako sa kanya. (FC ito.)
      pero kasi, masaya na ako dito sa blog ko.
      dahil sa isang taon na online siya ay nagawa ko na siyang mahalin, palitan ng layout - ng maraming beses kasi yun talaga ang gusto ko - , sulatan, lagyan ng kung ano ano.
      HAPPY BIRTHDAY, BLOG
      sana magtagal pa tayo
      at sori ngayon lang kita nabati. (tama, binabati ang blog na parang tao, di ba ako magmumukhang sira nyan?)
Tuesday, December 28, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment