tama po ang nabasa nyo, natangap ko na ang ungang one-five(T) na matatawag ko na AKIN! :) ang saya ko! pero hindi ito naging madali. ito ay isang maikling salaysay ng aking karanasan sa pagsSA:
      simula ngayong sem ako ay nagpasyang magSA (student assistant) para makakuha ng experience sa trabaho, at para na rin sa kita mula dito. (maganda din yan ilagay sa resume)
nakakuha ako ng trabaho sa OVCRE (office of the vice-chancellor for research and extension). ang gagawin ko? maging alila nila...hindi noh! tutulong daw ako sa mga ipinapagawa sa boss namin na VC. at kasama daw ako sa isang program nila na gumagawa ng mga brochure etc. tunkol sa mga reserach and extension projects ng aming unibersidad.
      syempre wala akong alam sa lay outing, writing for research and extension materials etc.pero tangap pa rin ako kasi matututunan ko naman yun, maganda ang sked ko, at DevCom (Development Communication) major ako. (pero hindi ibig sabihin nun di na sila tumatangap ng ibang course, basta ba naman kaya mo ang pinapagawa nila pwede na.)
      so ayun, process ng papers etc. at nung third week ng june aba, e pumapasok na ako.
      sa totoo lang noong una, ayaw ko sa trabaho ko. hirap kasi ng pinapagawa. pagawin ba naman ako ng minutes of the meeting ng isang meeting na di ko naman pinuntahan. o e ano kung may tape...hello! isa akong bagong pasok na sophamore. tapos eto pa, di ko agad naisubmitt, kaya feeling ko, gusto na ako bugbugin ng pinagrereportan ko. hiyang hiya talaga ako nun. ayaw ko talaga pumasok, dahil feeling ko mapapgalitan ako. pero di naman. feeling ko nagexpect siya sa akin ng malaki. nalaman ko na lang lately na mga graduating na ang mga nagsSA sa office na iyon. haay!
      ako lang pati ang ngiisang SA dun. lahat sila mga matanda na, o kung di naman, matanda na dun. nakakaOP, nakakabore, wala ako kilala, 'ala akong kausap. di naman na sa hindi sila friendly- mabait nga sila, binibigyan ako ng pagkain - talagang nainsecre lang ako, di sanay, at uncomfortable. di lang malamig ang feeling ko, malamig talaga sa office, sininat nga ako nung second week ko.
sabi nga ng tatay ko, talagang ganyan, bibihira lang ang mga opisina na warm ang pagtangap sa iyo, na magiging comportable ka. tama siya!
      yung sumunod na pinagawa niya sa akin, ok lang, magclassify ng mga research projects into 3 categories. madali lang iyon na nakakalito, parang sumasagot ka ng exam: identify the following...tapos pinaencode nya sa akin using MSExcel.
      pero nung pinagawa nya ako ng article tunkol sa Trichoderma, parang nagdalawang isip na ako uli. "trichoderma? ano iyon? wala naman akong kinuhang subject na may ganyan! sir, sa next sem pa kami magmmajor at kukuha ng mga technical course!" syempre ako, windang, kaya todo research sa internet kung ano pa iyon. tapos eto pa, isusulat ko...nyek! parang ang galing ko kasi magsulat...hindi, ang hirap lalo na wala kang alam. mangiyak na ako nun, ayaw ko na magtrabaho! ayaw ko pumapasok, tapos ang dami ko pa na ginagawa sa schoolwork - na puro palpak naman. haay! ang dami kong nasayang na P25 nun.
      tapos! ang tanga ko pa! pumayag ako na isama na lang sa july ang mga trinabaho ko nung june, e one month after ka magfile ng voucher bago mo makuha ang aweldo mo. 'lam mo naman ang government! kaya nung end of july, wala pa ako makukuhang sweldo, kasi ngayong august na ako nagfile. ahh! di ko pa marereap ang benefits ng patatrabaho ko na iyon! asar na asar ako nun.
pero sabi nga ni mama, at least mas malaki ang makukuha ko ngayong end of august. oo nga, pero di na mauulit iyon...
      so ngayon, ok na ako sa office, masaya na kaysa dati, pero di maiwasan ilang pa rin. kilala ko na sila, at madalas ang merienda. natuklasan ko nga na may kamaganak ako na office mate, pinsan ng mommy ko. o di ba, nakapasok ako na walang tulong niya. (pero di ko naman kilala siya nun). di na rin masyadong mahirap ang mga sumunod na pinagawa. data entry ng mga research articles, papers at technologies, entry sa computer ng mga edit ng mga ibang article. dun, ganado ako pumsok. di na kailangan masyado magisip, di tulad nung iba. ang dami ko na iniisip tunkol sa schoolwork, tapos eto pa, haay!
      pero ngayon may pinapagawa nanaman sa akin na kailangan ng malaking space sa aking pagiisip, pati effort na matuto at gumawa. pinapalayout sa akin sa isang brochure yung ginawa ko na trichoderma article...haay! di ako marunong magAdobe, or MS Publisher, di ko pa napagaralan, kasi sira ang aming CD-ROM at wala kami ganon. di rin ako marunong maglayout, di pa namin pinagaaralan iyon, higher EdCom(Educational Communication, isang major ng DevCom) subject ata iyon. may principles kasi iyon na kailangan maiapply, dahil ang target audience ko daw ay mga farmers. aaaahhhh! paano ko ito gagwin!
      wala na ako balak magquit ngayon, aba naman, nangangalahati na ang sem, at pangit tignan iyon. masmadali naman itong bagong ipinapagawa niya, interested ako matuto pati maglayout etc. masaya ako pati kasi naramadaman ko na ang sarap magtrabaho - ang sweldo!
tama nga, isa itong magandang experience para sa akin!
pero, siguro, di ko na itutuloy ito. di ko na irerenew ang contrata ko next sem. kailangan ko muna matutunan ang marami pa na bagay para maging competent ako sa trabaho, at kailangan di maging sagabal sa pagaaral itong trabaho, dahil first of all, isa akong estudyante! kailangan din gusto ko ang ginagawa ko! kahit nanjan ang pera, walang saysay iyon kung wala naman sa loob ko. iyon ang natutunan ko, at oo nga natuto din ako rito!
wala na muna libre, ako muna a! first sweldo ko 'to, ako naman bida for once.
2005-05-30
*later on ko na lang malalaman na ang pinapagawa pala niya sa akin ay testing lang pala, at inaasahan niya akong bumalik sa trabaho sa susunod na sem. di ko pa nga tinapos iyon. di pa ako nanlibre sa opisina. bad shot talaga...wala na akong mukhang ihaharap pa doon. at least di ba, marunong na ako mag photoshop at pagemaker.
Monday, August 23, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment