ang mestiza
      pansin ko, uso ang chinita ngayon. sa bagay, di ngayon lang, matagal na "maganda" ang chinita. kung bakit ay di ko talaga alam. siguro kasi makinis ang skin, maputi, maganda ang buhok at may lahing iba sa pinoy. pero di ako galit sa chinita a! may mga kaibigan akong ganon, at mabait sila.
      napansin ko kasi sa TV (gawa siguro ito ng F4), mga commercial puro chinita-in ang mga modelo. puro mestiza at di lang mestizang intsik ang pinaguusapan natin. ang mga taong ito na halo ang lahi ang mga mas natitipuhan ng mga agent para sa showbiz. nabasa ko sa isang article ng [p] ang isang pamimintas tunkol sa starstruck, parang display lang daw ito ng mga mestiza - lalaki man o babae. parang totoo nga. (laki talaga ng impluwensya ng F4). napanood ko kagabi, may viva hot men na pala. pansin ko lang ang hairdo nila: karamihan sa kanila ay long hair ala F4, siguro iyon ang "gwapong" style ng buhok panlalaki ngyon.
      kung iisipin natin matagal nang ito ang batayan ng kagandahan sa atin: ang maputi ang maganda, na di naman salungat pero medyo malayo sa itsurang pinoy talaga. di naman kasalanan ng tao na maputi at maganda siya dahil ako ay di maputi at di maganda, di iyon ang punto ko. di ko sinusulat 'to dahil insecure ako.
      may narinig ako dati, na yung mga lumalabas na pampaputi na sabon, lotion atbp. ay di makatarungan para sa mga di maputi. dahil maiitim sila, dinidikta sa kanila ng lipunan na kailangan na rin nila magpaputi. isa iyong malaking diskriminasyon sa aming maiitim. its unfair. at ang nagkakalat ng di makatarungang pagiisip na ito ay ang mga TV natin.
ang TV
      may malaking kapangyarihang hawak ang media sa mga nanonood sa kanila, na nakakapaghubog sa kamalayan ng tao. ngungit ang kamalayang ito ay hawak ng iilang tao na gusto lamang kumita - kaya nga soap opera, di ba.
      sa aking palagay, di ginagamit ng media ang kanilang kapangyarihan para sa ikauunlad ng tao, ngungit sa pagpapalaganap ng status quo. balikan natin ang mga telenovela na kinahihiligan ng mga pilipino. wala nang kakupaskupas ang gasgas na gasgas na formula na paulit ulit din naman: na ang kahirapan ay nandyan na at ipinanganak ka dito, at antayin mo na lang ang tunay mong inay na mayaman na makita ka sa squatters area na tinitirhan mo, saka ka makakaganti ka sa mga hinayupak na umapi sa iyo. pagdating naman sa mga commercial sa gitna ng sampal ni bida kay kontrabida, ang makikita naman ay ang mga magagandang taong hinihikayat ang karaniwang mamamayan na bumili ng kung ano ano dahil: masaya ito, mapapansin ka na, dahil puputi ka. sa primetime, walang natututunan ang tao para sa kanyang ikauunlad.
      imbis na iyon, bakit di nila ipakita sa mamamayan ang mabuting magagawa ng pagsikap sa mgagandang kinabukasan? di ito swertihan lamang. hindi po BINGO ang buhay. di ka lamang gigising one day at malalaman mo na may lahing mestiza/o ka pala.