Wednesday, March 16, 2005

random

left, left, left, right, left
bakit pag naglalakad tayo at sumasabay ang mga kamay, ang sinasabayan ng kanang kamay ay ang kaliwang paa, at ang kaliwang kamay sumasabay sa kanang paa? tapos, nakakailang 'pag pinilit mo na kanan sa kanan at kaliwa sa kaliwa. at bumabalik din sa kanan-kaliwa,kaliwa-kanan.gets?he he wala lang.

lahat gagawin para sa magandang shot para sa DEVC 140 (basic photography), kahit shit na naupuan ko tuloy pa rin. sa bagay, ok lang yun, shit lang naman ng itik e, nalalabhan pa 'yun:(
lapit na matapos ang sem. hell week na, ate eto ako nagprprocrastinate. (wow! hanep naman naman conyotic!)

it's taking forever
balita ko labas na ang HS yearbook ng batch 2004, tawa na lang ako! buti pa si karen may libre sa'kin. :)

may bumibisita pa ba nito? kung meron man, sign kayo sa chatterbox, k? :)

Wednesday, March 09, 2005

patayan ang summer enlistment sa UPLB

      ako, ayaw ko ng pila. ayaw ko pumila, lalu na pag mahaba. di ko hilig makipagsiksikan sa dami ng tao. di ko type na naiipit sa gitna ng dagat ng ulo ng mga tao. lalo na sa isang walang kapararakan na dahilan. pero hindi! naranasan ko 'yan kahapon, dahil patayan talaga ang summer enlistment dito sa UPLB.

ang sistema
      'pag regular na semester kasi, ang computer ng registrar na ang bahala magregister sa'yo. automatic na papasok sa form 5 mo (ang napakahalagang piraso ng papel kung saan nakasulat na nakaregister ka ngayong sem, kung ano ang mga kinuha mo na subject , at magkano ang binayaran mo) ang mga subjects mo depende sa mga subject na kinuha mo sa nakaraang sem at sa mga grade mo sa mga subject mo na yun.
      mageenlist ka lang 'pag di ka nabigyan, 'pag kulang ang units na binigay sa'yo ng palpaking program ng regsitrar o gawa ng di kagandahan ang naging marka mo nung nakaraang sem. pupunta ka sa mismong department ng kukunin mong subject at magpapalista ka sa class list ng isa sa mga section ng subject na gusto mo kunin.
      magpapacancel ka pag sobra ang units mo, o pag ayaw mo na muna kunin yung subject. ganun din, pupunta ka sa department at ipapatangal mo ang pangalan mo sa listahan.
      pag di ka swinerte sa mga araw ng reg, tiyagaain mo magpaprerog sa mga profsseor pagdating ng araw ng pasukan. sa mga araw na ng pasukan kasi nasa mga professor na ang mga class list, at sila ang bahala kung ipapasok ka nila o hindi. at hindi madali yun, lalu na pag summer: pag marami kayo gustong makapasok sa iilan lang na section na inoffer para sa summer, 'pag alangan, 'pag ipapajoke ka pa para makapasok. ito kasi ang naranasan ko last summer.
      kaya this summer, ayaw ko na dumaan dun.
      pag summer pre-enlistment kasi hindi na hawak ng reistrar yan. mga college sec na ang may hawak nyan. at dahil dun, nagaagawan ang mga estudyante para sa slot.

ang aking karanasan
      syempre kahapon, 10 pa ang class ko, pero hindi!, gumising ako ng 6 para lang makapunta na sa college sec ng mga 7 na. umaga 'to a, mantakin mo! alas-8 kasi ang labas ng form 5 sa college sec, walang labis, walang kulang sa oras. isa kasi sa mga matututunan mo dito ay ang agahan sa bigayan ng form 5 kung ayaw mo maipit sa haba ng pila. e ako, i hate ques.
      sige nakarating na ako dun mga 7:20, at mejo may pila na, nasa dulo na ako ng bench, pang 19 (yun kasi nabasa ko sa form 5 ko nung nakuha ko na). inis na ako nun, sana inagahan ko pa.
      nalista ko na yung schedule ng mag subject na kukunin ko para alam ko kung ano isusulat ko sa form 5 ko. 2 lang ang section ng HIST 2, world history, kaya sabi ko uunahin ko 'to. yung isang subject ko kasi ay HUM 1, literature, na 6 ata ang section.

      nung nakuha ko na ang form 5 ko, derecho ako sa NCAS buldg. kung saan ang DDS(department of social sciences) faculty para sa HIST 2 ko. aba, pagdating ko dun, nakakumpul ang mga tao sa may faculty, yun pala di pa sila handa. Ala-una pa daw ang enilstment. fine!
      pinuntahan ko naman ang DH(department of humanities) para sa HUM 1. mejo alangan pa ang mga tao pagdating ko dun.
"nageenlist na ba?"
"hindi pa ata" "hindi ko alam" "hawak na ni tita ang mga class list"
"may pila na ba?"
"di ko alam, nandito lang ako"
biglang
"sa baba daw ang enlistment!"
takbuhan at unahan bigla ang mag tao. malamang, di ba. sa 2nd floor kasi ang mga faculty sa NCAS bldg. binaba nila dun sa may NCAS auditorium yung enlistment. syempre sunod ako.
swerte ko lang nakapila ako malapit sa table kung nasaan ang mga class list. sabi kasi ni sir torreta, 2 lines lang daw, buti na lang. kasi magisa siya nagaaskiaso ng enlistment nun kaya mabagal, at di pa agad nagsimula. di lang yun, ang OC pa niya. kada enlist ng studyante ibabalik niya uli sa ayos ang mga class list. pero dahil OC din ako, naiintindihan ko yun. natapos na ako dun ng mga 9:30. nakuha ko yung unang slot para sa section na pinili ko. swerte.

      nagpractice na lang muna ako para sa report ko para sa POSC 112, politics of development. ako kasi ang nakatokang magreport noon. sige pasok na ako sa class ko'ng 10, nagreport.
bago puntahan ang next class ko: NASC 5, environmental biology, dumaan muna ako sa DSS, may mga taong nakakalat na, pero wala pa'ng pila. naisip ko na lang pumasok sa clase, 1 pa naman ang simula ng enlistment.

      pag labas ko ng class na yun mga 20 mins to 1 na. alam ko madami na tao dun. tinakbo ko na papuntang DSS. nagkamali ako, di lang marami ang nakapila, napakarami at mahaba na ang pila.
di ko talaga ugali ang sumingit, minsan lang pag di obvious at minsan di ko sinasadya - tulad nung concert ng Parokya (oo ngaconcert sa baker Hall ang Parakya, at nanood ako. ang lapit ko pa sa stage). kaya tulad ng mabait na bata sa dulo ako pumila.
dumami na ang mag tao, yung karamihan sumisingit sa harap.
nagkakagulo, di na maintidihan ng mga tao kung ano ang gagawin. nagtutulakan paharap. ang labo kasi. di malaman kung saan pipila, may kanya kanya bang pila ang bawat subject o 2 lang ang pila para sa lahat? tanungan, siksikan, tulakan...tapos linipat nila sa baba.
      unahan sa baba ang mga tao. syempre bwisit na ang mga tao na pumila kanina pang 11:30.
nung tinignan ko sa may hagdanan parang dagat ng mga tao ang nagkumpulan sa may ground floor habang sineset-up ng mga instructor ang mga monobloc na mesa at upuan.
ako? papasok jan?
sayang naman ang di ko pinasok sa ZOO1 ng hapon na iyon kung di ko pa gawin, 1-2 kasi clase ko dun.
      sige, bumaba din ako at pumwesto sa may gilid ng "swarm" ng mga tao. mayamaya nagsimula na daw, puntahan ang mga tao sa harap kahit di nila alam kung saang lugar pipila para sa subject na kukunin nila. nagkagulo. natsismis na sa may gitna pa ang pila ng HIST 2, at yun, pinasok ko ang dagat ng mga tao. ang problema nun, di ako nagiisa. marami ang nagmula sa isang dulo ng "swarm" at dumaan sa gitna nito para makarating sa kabilang dulo na kung saan talaga ang pila nila.
      ayun! saka pa nila pinost sa may hagdanan ang mga tamang pila, lalo na nagtulakan ang mga tao, nagsisksikan. ang lugar na tinutungtungan ng paa mo na lang ang pwesto mo. daig pa ang concert ng Parokya na nagsisiksikan ang mga tao at nagtutulakan, at sa totoo nga talo pa ng enlistment yun.
nakita ko na lang ang sarili ko na nasa gitna ng dagat ng mga taong pinagmamasdan ko kanina lamang sa hagdanan. di makahinga, at kailangan pa tumingala sa taas para makalanghap ng malamig na hangin. pawis at nanlalagkit. di ko akalain!
      tulakan pa, singit dito, doon. At sa wakas nakarating din ako sa monobloc na mesa. hawak na ni sir ang form 5 ko nun.
"pangalan?"
"Baril po"
"section, ah B"
siya na ang nagsusulat ng pangalan sa class list. pinirmahan ang form 5 ko.
"salamat po" sabay kuha ng form 5.
at tulad ng pagpasok sa kadagatan ng mga tao, siksikan din palabas. lalabas na nga, isisiksik ka pa. yan ang principle ng diffusion.

      nakalabas din ako. di nyo lang malaman kung gaano ako kasaya. Halos higupin ko na lahat ng hangin sa paligid ko.
dalidali na akong naglakad pabalik sa CDC(college of development communication), sa college namin. pinapirmahan kay ma'm Matulac ang form 5, buti nandun siya. at ibinalik muli sa college sec ang form 5.

      haay. pagdating ko na ng summer reg, kukunin ko na lang ang computerized form 5 ko sa college sec, babayaran, at kukunin na ang mag class card. wala na hassle sa pagenlist, sa pagpaprerog. ayos na!

dapat sana
      pero naman, sa taon taon na ginagawa ng UPLB ang summer enlistment, di na ba sila natuto? di ba nila kayang gawin student friendly ang enlistment? e sila rin naman ang makikinabang dun.
      marami naman paraan para di mapilitan ang mga tao na magsiksikan, di ba? ito naman ang ilan sa kanila:
1. yung may distinction sa mga lines, yung sa banko na may mga maliliit na poste na pinagdudugtong ng mga pulang tali. pero mejo mahal yun at di afford ng karaniwang peyups.
2. yung may number. kukuha ka ng number at aantayin mo na lang tawagin ang number mo. tipong GSIS.pwede din ID na lang pipila para sa'yo.
3.di iisa ang lugar para sa mga magkakaibang subject. yun tipong may iba't ibang table man lang at si lang nakakumpol sa iisang lugar. yung isa sa may kaliwa, yung isa sa may kanan, isa sa baba. ganun.
4. wag itolerate ang mga singit.
5. maglagay agad ng malinaw na directions pars di malitolito ang mga tao at kung anu ano ang gawin. kunwari magtatanong, yun pala sisingit na.

ano pa? may masusuggest pa ba kayo?

sana naman, next year maayos na ang sumer enlistment, pero, ha! asa pa 'ko e!
argh! ayaw ko talaga pumila!