ang kalagayan:
prof: o, class kuha na lang kayo ng handouts. iiwanan ko na lang dun sa EZONE. dadalhin ko dun siguro mga mamayang hapon. wag nyong kakalimutan, graded recitation tayo next meeting.
ang pagamutan:
1. ang Ezone ay isa lamang sa mga nakakalat na xerox center dito sa paligid unibersidad.
2. merong STC sa tabi nito,
3. ang likod ng STC. (Goldmark)
4. anjan ang alternative na Selinas.
5. 'pag nasa main lib ka may xerox din sa 2nd floor para di mo kailangan ilabas ang libro o kung ano man ang pinapaphotocopy mo.
6. pag nasa may hum ka naman may xerox din sa tabi ng COOP.
7. sa Raymundo din meron, dun sa may parang palenke na COOP din ata ang tawag.
8. sa PhiSci din may mga nakaistambay na xerox sa 2nd floor.
9. pati na rin sa DevCom, malapit sa tambayan ng ADS.
10. sa SU din malamang, dun sa baba, sa basement ata.
11. minsan naman pinapakuha ni prof ang mga handouts niya sa Leo's sa loob ng Vega
12. pero kung gusto mo naman ng talagang malinaw anjan ang Prints To Go dun din sa Vega. (pero dito mas mahal P1.25 per page 'pag short. may colored din sila na malamang mas mahal mga P40 ata o 70 kung glossy).
sa totoo nyan maraming mga paxerox na nakapaligid dito sa UPLB. nago-offer sila ng xerox na 50-60 centavos per page, liquid o powder man. minsan kung gusto mo ng clear copy, ang iba nagchcharge ng piso per page. yung iba may binding services din- hard o soft with or without title, may ring bind din.
ang mangagamot:
yun ang mga tindahan, pero nanjan din ang mga taong naglalagaly ng papel sa copier para ixerox. sila ang mga "xerox people" na sa katagaltagal ng pananatili mo sa unibersidad at sa dami ng pinapaxerox na readings, research etc ay nakikilala mo na o kahit namumukhaan man lang. bilib ako sa mga taong 'to. professional sila magxerox. bakit?
eto lang ang mga pansin ko:
1. pabaliktad sila kung magxerox. kung page 1-10 and ipapaxerox mo, sismulan nila sa page 10 pabalik. para pagkuha nung xerox mo, aba nakaarrange na siya ng 1-10.
2. kung kaya pipiliting talaga, at standard na rin siguro, na kung kasya na pahalang ang dalawang pahina, gagawin nila. mas tipid yun para sa'yo at para sa kanila din - sa paglipat ng pahina.
3. pag naglilipat sila ng pahina, hindi na nila kailangan iharpa sa kanila at i-flip ang page bago iharap uli sa copier. nakaharap na lang yung libro sa muka ng copier at linilipat lipat lang nila ng pahina pailalim.
4. pag di naman kasya sa isang papel ang dalawang pahina gawa ng malaki ang libro, syempre wala silang choice gawin ng one is to one. pero tignan mo kung paano nila ixerox. iseset nila sa 2 copies, at pagkascan ng isa, itutulak nila yung libro para yung kabilang pahina naman ang maxerox sa susunod na scan. tipid sa pindot.
5. di lahat ng copier may paraan para maseparate ang multiple copies, mga bago lang yun. e kapag lumang copier ang gamiit ni ate o ni manong, ganito: pagkaxeorx nung unang copy, ganun lang, sa pangalawa itatagilid nila yung papel na pahalang sa naunang lumabas. so next page naman, lalabas lang yun sa copier at di nila gagalawin, yung susunod na lalabas ihihiga nila uli hailera nung isang second copy na nauna sa kanya. gets?
6. naglalagay sila ng papel sa dulo ng marka na kung hangang saan lang ang short bond para alam nila pag di kasya, at guide na rin siguro na wag mawala sa lugar ang sinixerox.
7. minsan naman ang papel na 'yun ay para walang blank black spaces ang lalabas na xerox.
wala na ako maisip...may maidadagdag ba kayo?
o di ba astig. kayo ba, kaya nyo yan? itong mga taong ito natutnan yan gawa ng maraming practice. aba araw araw ba naman. hanap buhay kasi nila yun. at saludo ako sa kanila gawa ng marangal ang trabaho nila
Wednesday, February 02, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)