di mapakali sa inuupuan
      di ba nung mga grade school tayo, o kahit nung high school, parating may seating arrangement na sinusunod.
      minsan alphabetical - kadalasan sa pagpasok ng school year, ang iba naman alternate boys and girls - sa mga school na co-ed, minsan naman pag maraming *ahem* literally out-standing angel-devil naman. minsan linalagay ang mga bwisit na makukulit sa harap para maconcious sa teacher - e ano ba paki ng mga yan e maingay din sila. pero kung mabait adviser mo, aba! e di pili ka na kung saan ka umupo. malamang katabi mo jan ang mga best friend mo sa clase.
      isa pa na tip sa magaling dumiskarte: tumabi sa mga national bookstore sa inyo, helpful yun kung parasite ka. (bwisit kang parasite ka!)
e di yan may seating arrangement na, uso naman sa mga estudyante ang palipat-lipat ng pwesto minsan nasa harap minsan sa likod.
      e ngayong college, di ba wala naman ganoon sa amin. malamang free ka gawin kung ano gusto mo. pero napapansin ko pag first day at nakaupo ka sa isang upuan, mahalin mo na iyon dahil doon ka uupo sa buong semester. bakit kaya?
freshie lang po ako
      bakit ang mga upperclass-people (patriarchal kasi pag sinabing upperclassmen) minsan nagpapabata? di ba't matatanda na sila sa unibersidad kaya may kapal muks na ipagyabang. pero minsan tipong ikahihiya pa nila ito. itatanong mo batch nila sasabihin nila ang batch ng mga freshies sa panahong iyon (kung AY 2003-2004 sasabihin nila batch 2003). gets ko yung mga extended, pero sa tingin ko di naman dapat ikahiya iyon, panakot nga iyon sa mga bago na di pa nararamdaman kung gaano nga ba kahirap sa UP.
nakakaasar kasi minsan.
      siguro principle yan ng kung bakit pag birthday ng mga magulang natin ay pabaliktad na ang bilang ng mga taon, feeling 19 daw!
      e ang mga freshie naman, nahihiyang matawag na freshie. though, may konting pride sabay insult naman pag napagkamalan mo silang upperclass, lalo na kung junior. ang mga freshie madali mo maispot dahil pormang porma daw ang mga ito: bago t-shirt, bago pantalon, bagong shoes. sa bagay, ang mga ibang upperclass todo porma din. di kasi uso sa amin ang patalbugan sa pormahan ng mga estudyante. pag ayaw ng freshie maispot, blend in the crowd na lang sila. pero acually ayos din maging freshie, may excuse ka for your mistakes - some of them that is. pag di mo pa alam ang main lib(ary) pag junior ka na mahiya ka naman ng konti - may ENG 1 at 2 naman di ba.
pero, anuman ang sabihin, masaya ako nung freshie ako!
princess
      isang araw habang nagaantay ng gumagawa ng electric fan sa service center, tinanong ng kapatid ko, "bakit ang mga lalaki di pwedeng magcrosslegs?" oy! di bakla utol ko a! tinanong nya kasi yun kasi upong ladylike kami ng mommy ko (ako? upong ladylike? o sige, mommy ko lang).
      di ba pansinin natin na ang upong crosslegs ng babae ay, grabe, di na cross, kundi overlap na. ang mga lalaki naman de-kwatro lang ang ginagawa.
      sabi ko sa utol ko, "cge subukan mo gayahin si mommy." di nya kinaya. naiipit ata ang mababasag, di sanay pati.
so ngayon, bilib ako sa mga bakla, talo pa nga ang mga totoong girls magpormang babae, graceful pa sila, di tulad ko.
mula kay Kyla
      pansinin mo ang mga manok pag naglalakad sumasabay ang ulo. bakit kaya? (galing 'to kay Kyla. napansin niya kasi ito nung nasa Bahay Laguna kaming mag-groupmates sa Magdalena.)
which way is that?: isang reklamo
      actually di ko na kailangan sabihin pa ito pero bwisit talaga ang mga nagdidisisyon ukol sa mga road signs. bulok talaga sistema. one day one way ang isang kalye, then the next iba nanaman. papalit palit na ng pangalan ang mga kalye ngayon, di mo tuloy alam kung ano talaga. asar! wala na talaga magawa mga tao sa congresso...
political trash
      ito delayed thought na pero sulat ko na rin.
      nung kampanya para sa election, aba, todo campaign ang mga tao. problema: nagiiwan sila ng kalat nila. nung isang beses campaign para kay FPJ*. nasa Ayala Ave. nung makaalis na sila puro kalat ang kay gandang dating runway. isip ko: kung ang mga kandidato na ito ay di man lang kayang masabihan ang mga tao nila na ayusin ang basura nila, ano pa ang magagawa nila para malinis ang pamahalaan?
*SLN
laban o bawi?
      may teacher ka, may prof, o instructor na nakakainis, nakakaasar at talagang bwisit sa buhay?
      bawiin mo sa teacher's evaluation. kaso nga lang sa akin, generally mabait ako, basta ba nagugustuhan ko ang paaran ng kanyang pagturo ay pwede na. asar nga minsan pag hawak ko na ang teachr's evaluation form nakakalimutan ko na ang icocomment ko sa kanya, swerte niya tanga ako. naiisip ko na pagkatapos, pag naisubmit ko na.
abcdefklmopqrstuvwXyz
      ano ba ang meron sa X? maraming salita ngayon na may X para magpahiwatig ng isang kakaibang kaisipan. iniisip ko na X, ibig sabihin "tapos na", like X boyfriend or girlfriend. meron din X as "crossing". may X factor as in "different". at wag natin kalimutan ang generation X. pero tanong ko: bakit X. ano ba ang meron ng titik na X at ito ang ginnagamit? bakit hindi A, o O, o di kaya M, o Z? sino ba may pakana nyan?
walang sharp shooter sa pelikula
      manood kayo ng mga action movie. ung pinoy na may warehouse shoot out scene. ang laking cliche niyan sa pinoy action films. can somebody do something else for a change? anyway. ok pansinin mo sa mga shoot out scenes na kalaban ng mga malalaking drug lord ang mga police o mga good guys kung sino man sila. walang tumatama. puro "pating" lang ng bala na tumatama sa ibang lugar at hindi dun sa gusto nilang barilin. walang talagang sharp shooter sa mga ganoong pelikula, pwera lang kung yung assasin na talagang patutumbahin ng palihim ang isang mahalagang tao.
Wednesday, June 23, 2004
Subscribe to:
Posts (Atom)